Friday, February 20, 2026

𝗕𝗔𝗧𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜, 𝗡𝗔𝗟𝗨𝗡𝗢𝗗 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗢𝗚 𝗖𝗔𝗚𝗔𝗬𝗔𝗡; 𝗦𝗘𝗔𝗥𝗖𝗛 𝗔𝗡𝗗 𝗥𝗘𝗧𝗥𝗜𝗘𝗩𝗔𝗟 𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡, 𝗣𝗔𝗧𝗨𝗟𝗢𝗬

 
Cauayan City – Patuloy ang paghahanap ng mga awtoridad sa isang batang lalaki na nalunod sa Ilog Cagayan noong Pebrero 17, bandang alas-2 ng hapon.
 
Batay sa ulat, nagpi-picnic umano ang grupo sa bahagi ng Chico River sa Brgy. Cabayo. Habang tumatawid mula Lubo patungong Cabayo ang biktima kasama ang dalawa pang teenager, bigla itong tinangay ng malakas na agos ng tubig.
 
Nangyari ang insidente kasabay ng pagdiriwang ng Chinese New Year kung kailan walang pasok sa mga paaralan.
 
Pinangungunahan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) at Philippine Coast Guard (PCG) ang search and retrieval operation, katuwang ang mga lokal na opisyal at mga volunteers, upang mahanap ang nawawalang estudyante.
 
Nagpalabas na rin ng flash alarm sa mga kalapit barangay sakaling mapadpad ang biktima sa ibang lugar.
 
Samantala, nananawagan ang mga awtoridad sa publiko, lalo na sa mga magulang, na bantayang mabuti ang kanilang mga anak at iwasan ang paglangoy sa ilog lalo na kung malakas ang agos.
 
Source and Photo Courtesy: Santo Niño Public Information Office
 
————————————–
 
‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
 
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan
Facebook Comments