Hindi umano apektado ngayon, ang bayan ng Asingan ng lumalalang El Niño phenomenon.
Ito mismo ang kinumpirma ng alkalde ng nasabing bayan. Aniya, pitumpung porsyento ng lupain sa bayan ay ginagamit para sa agrikultura, samantalang ang natitirang tatlumpung porsyento ay inilaan para sa industrial development sa ilalim ng Comprehensive Land Use Plan (CLUP).
Ani pa ng alkalde, na ang kanilang bayan ay fully-irrigated, na siya rin namang pinangangalagaan nila. Kaya naman, naniniwala siyang pag binawasan ang area na sakop ng pang-agrikultura ay hindi magiging sapat ang suplay ng pagkain, kaya’t binabalanse nila diumano ito.
Sa, 5,445 ektaryang lupang pang-agrikultura, 4,038 ektarya rito ay tinamnan ng palay at may sapat na suplay ng tubig, samantalang 250 ektarya ang umaasa sa ulan; 883 ektarya naman ang para sa taniman ng mais, at 274 ektarya para sa mga gulay.
Ayon naman sa Agriculturist ng bayan, sila ay nakakapagprodyus ng nasa 4.5 metrikong tonelada kada ektarya tuwing tag-ulan at 6.5 metrikong tonelada naman sa tag-init, mula 2022-2023.
Dagdag pa niya, na madalas naitatala ang mababang produksyon tuwing tag-ulan dahil sa iba’t ibang sakunang tumatama sa kanilang mga sakahan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨