𝗙𝗔𝗖𝗘-𝗧𝗢-𝗙𝗔𝗖𝗘 𝗖𝗟𝗔𝗦𝗦𝗘𝗦 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗡𝗔𝗢𝗔𝗚, 𝗦𝗨𝗦𝗣𝗘𝗡𝗗𝗜𝗗𝗢

Suspendido ang face-to-face classes sa lahat ng antas sa parehong pribado at pampublikong paaralan sa bayan ng Manaoag mula April 17 at magtatagal ng hanggang April 19.

Sa inilabas ng EO No. 24, Series of 2024 ng lokal na pamahalaan ng Manaoag sa pamumuno ni Mayor Hon. Jeremy Agerico Rosario, epektibo ang implementasyon ng asynchronous classes o distance learning sa mga estudyante.

Bunsod pa rin ito ng nararanasang maalinsangang init ng panahon sa Pangasinan kung saan base sa heat index forecast ng PAGASA, maglalaro sa 44 hanggang 47 degrees Celsius ang maitatalang heat index sa mga susunod na araw.

Samantala, sa ibang bayan at lungsod sa probinsya ay tuloy na ang face-to-face classes. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments