
Cauayan City – Mas naging makulay at maliwanag ang pagsalubong ng bayan ng Luna, Isabela sa taong 2026 sa pamamagitan ng pagpapailaw sa National Highway na sakop ng Brgy. San Miguel, Mambabanga, at Harana.
Ang nasabing proyekto ay pinondohan at isinakatuparan ng Lokal na Pamahalaan bilang bahagi ng patuloy na mga programa para sa kaayusan at kaligtasan ng mga lansangan.
Pinangunahan ito ng administrasyon ni Mayor Adrian Leandro P. Tio, katuwang si Vice Mayor Lelamen R. Soingco at ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan.
Sa pamamagitan ng inisyatibang ito, inaasahang mas magiging ligtas at maaliwalas ang biyahe ng mga residente at motorista, kasabay ng pagpapatuloy ng kaunlaran sa bayan.
Photo credit: MDRRMO Luna
————————————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
Facebook Comments










