
Cauayan City — Naaresto ng mga awtoridad ang isang lalaking akusado sa pitong bilang ng kasong may kaugnayan sa Acts of Lasciviousness at Lascivious Conduct sa isang menor de edad, paglabag sa Republic Act 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act, sa Barangay Tallungan, Reina Mercedes, Isabela.
Kinilala ang suspek na si alyas “Ellio,” 42 taong gulang, laborer, residente ng Barangay Buracan, Sagñay, Camarines Sur at pansamantalang naninirahan sa Barangay Bannagao, Aurora, Isabela.
Nahaharap ang akusado sa tatlong bilang ng Acts of Lasciviousness sa ilalim ng ng RA 7610 na may inirekomendang piyansa na ₱180,000.00 bawat kaso, at apat na bilang ng Lascivious Conduct sa ilalim ng parehong batas na may piyansang ₱200,000.00 bawat kaso.
Matapos ang pag-aresto, ipinaalam sa suspek ang kanyang mga karapatan alinsunod sa Miranda Doctrine at isinailalim sa kaukulang legal na proseso.
———————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan










