Nahaharap sa kaukulang kaso ang isang trenta y sais anyos na binata matapos itng mahuli sa ikinasang buy bust operation sa bayan ng Alcala.
Ang suspek ay nakilalang si Nelson Calimlim residente ng bayan ng Bayambang.
Ikinasa ang buy bust operation laban sa suspek pasado alas singko ng hapon sa Barangay Laoac na nagresulta sa pagkakakumpiska sa suspek ng dalawang sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng .14 grams at nagkakahalaga ng humigit kumulang Isang libong piso.
Inihahanda ng ngayon ang kasong paglabag sa RA 9165 laban sa suspek. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments