𝗕𝗜𝗡𝗔𝗧𝗔 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗡 𝗖𝗔𝗥𝗟𝗢𝗦 𝗖𝗜𝗧𝗬 𝗡𝗔𝗛𝗨𝗟𝗜𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗥𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗖𝗛𝗘𝗖𝗞𝗣𝗢𝗜𝗡𝗧

Nahaharap sa kaukulang kaso ang isang trenta anyos na binata sa San Carlos City matapos itong mahulian ng baril sa checkpoint doon.

Ang suspek ay nakilalang si Angelo Galasao residente ng nasabing lungsod.

Nagkakasa ng checkpoint ang mga kapulisan sa Bahagi ng brgy. Roxas sa nasabing lungsod pasado alas nuebe ng gabi ng mapadaan ang suspek.

Nang hanapan ng kaukulang dokumento ang motor nito ay tila balisa umano ito at bumaba sa kanyang motor at tila may itinapon.

Nang beripikahin ng PNP ay napag alamang isa pala itong caliber 38 pistol na may limang bala.

Agad naman itong inaresto at ngayon ay inihahanda na ang kasong isasampa laban dito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments