𝗗𝗔𝗟𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗢𝗧𝗢𝗥, 𝗗𝗔𝗠𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗠𝗔𝗡𝗜𝗢𝗕𝗥𝗔 𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗢𝗧𝗦𝗘 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗥𝗞𝗜𝗡𝗚 𝗟𝗢𝗧 𝗦𝗔 𝗕𝗜𝗡𝗔𝗟𝗢𝗡𝗔𝗡

Nadamay ang dalawang motor na pagmamay-ari ng dalawang estudyante sa isang parking lot sa may Brgy. Canarvacanan, Binalonan matapos aksidenteng mapihit ng driver ng kotse ang accelerator habang nagmamaniobra paalis sa parking lot.

Nahulog umano sa drainage ang isang gulong ng hatchback na kotse habang nagrereverse ang driver. Nang sinubukan na makaalis sa canal ay aksidenteng accelerator ang napihit nito dahilan upang mabunggo ang dalawang motor sa tabi nito. Ang isa sa mga ito, bumangga sa isa pang kotse na nakapark din sa tabi nito.

Nagtamo naman ng pasa sa katawan ang driver ng hatchback at nadala sa pagamutan. Nasa kustodiya ng awtoridad ang mga sasakyan na napinsala sa insidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments