𝗦𝗨𝗡𝗢𝗚 𝗡𝗔 𝗦𝗨𝗠𝗜𝗞𝗟𝗔𝗕 𝗦𝗔 𝗗𝗨𝗠𝗣𝗦𝗜𝗧𝗘 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗣𝗔𝗧𝗨𝗟𝗢𝗬 𝗔𝗡𝗚 𝗜𝗠𝗕𝗘𝗦𝗧𝗜𝗚𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng awtoridad sa pinagmulan ng sunog sa dumpsite sa Brgy. Bonuan Binloc, Dagupan City noong April 25.

Bandang alas onse ng umaga, nang bigla na lamg umanong sumiklab ang apoy sa naturang dumpsite ayon sa isang residente malapit doon. Naapula naman ito ng BFP Dagupan sa tulong ng PANDA Fire Volunteers.

Patuloy ang monitoring sa lugar sa posibleng pagsiklab muli ng sunog doon. Siniguro naman ng Waste Management Division na ‘under control’ na ang insidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments