Wednesday, January 21, 2026

𝗕𝗜𝗡𝗔𝗧𝗔 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗡 𝗙𝗔𝗕𝗜𝗔𝗡 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗔𝗞𝗦𝗜𝗗𝗘𝗡𝗧𝗘

Namatay habang ginagamot sa pagamutan ang isang trenta y siyete anyos na binata sa bayan ng San Fabian.

Ang biktima ay nakilalang si Sixto Guzilan III residente ng Barangay Poblacion sa nasabing bayan.

Naganap ang aksidente pasado ala una ng madaling araw sa Barangay Angio sa nasabing bayan Habang Sakay ng kanyang motor ang biktima nang bigla itong nawalan ng kontrol sa manibela at mitumba.

Tumilapon ang biktima na agad naman naisugod sa pagamutan subalit namatay ito Habang ginagamot. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments