𝗖𝗢𝗡𝗦𝗧𝗥𝗨𝗖𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗪𝗢𝗥𝗞𝗘𝗥 𝗦𝗔 𝗔𝗟𝗔𝗠𝗜𝗡𝗢𝗦 𝗖𝗜𝗧𝗬 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗣𝗔𝗚𝗦𝗔𝗦𝗔𝗞𝗦𝗔𝗞𝗜𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗥𝗜𝗟𝗜

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga kapulisan sa naganap na umanoy pagpapakamatay ng isang construction worker sa Alaminos City.

Ang biktima ay nakita ng kanyang mga kaanak na nakabulagta sa kanyang kwarto pasado alas Sais ng umaga at may saksak sa dibdib.

Nagawa pa itong isugod sa pagamutan subalit idineklarang dead on arrival.

Ayon sa imbestigasyon dumaranas ng mental disorder ang biktima na pinaniniwalaang dahilan ng kanyang pagpapakamatay kung saan ay ilang beses na din nitong tinangka noon na magpakamatay sa pamamagitan ng pagbibigti at pagsasaksak sa sarili subalit nappipigilan ng mga kaanak. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments