Nasa limampung mga buntis sa bayan ng Lingayen ang nakibahagi at dumalo sa inilunsad na Buntis Congress kung saan pinangunahan ng Municipal Health Office o MHO Lingayen.
Layon ng naturang aktibidad na mabigyan ng gabay ang mga kababaihan sa tamang pangangalaga sa sarili kapag dumaan na sa pagbubuntis nang sa gayon ay maiwasan ang kaso ng maternal death.
Binigyan importansya rin dito ang pre-natal check-up dapat ng mga nanay at pagkakaloob ng immunization o pagbabakuna.
Nabigyan naman ng libreng prenatal check-up ang mga dumalong kababaihan.
Samantala, ang Buntis Congress ay isa sa hakbang ng lokal na pamahalaan ng Lingayen para sa maihatid ang mga programang laan para sa mga nagbubuntis sa kanang bayan upang masiguro na sila ay maayos at ligtas ang pangangatawan habang hinihintay ang panganganak. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨