𝗣𝗥𝗢𝗬𝗘𝗞𝗧𝗢𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗚𝗢𝗡𝗚 𝗠𝗨𝗟𝗧𝗜-𝗣𝗨𝗥𝗣𝗢𝗦𝗘 𝗙𝗔𝗖𝗜𝗟𝗜𝗧𝗬 𝗡𝗚 𝗗𝗣𝗪𝗛 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗛𝗔𝗚𝗜 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗦𝗜𝗤𝗨𝗜, 𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗜𝗦𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔

Nakumpleto na ang pagsasagawa sa kontruksyon ng bagong multi-purpose facility sa bahagi ng Barangay Bogtong sa Malasiqui kung saa proyekto ng Department of Public Works and Highways.

Ang naturang pasilidad ay makatutulong upang makapagbigay sa mga residente ng maayos at malapit na lokasyon para sa pagsasagawa ng mga recreational activities patungkol man sa eskwela o sa komunidad tulad na lamang ng community gatherings, sports activities and school events.

Ang naturang konstruksyon ng proyekto ay natapos nitong Disyembre 2023 kung saan may pondong nagkakahalaga ng higit siyam na milyong piso sa ilalim ng General Appropriations Act of 2023.

Samantala, bahagi rin ito ng patuloy na pagbibigay katiyakan ng DPWH na magbigay sa publiko ng maayos na infrastructure at pagpapalakas pa sa community development initiatives. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments