Napamahagian ang ilan sa mga magsasaka sa Pangasinan ng cacao seedlings sa ilalim ng Coconut Farmers Industry Development Plan ng Department of Agriculture (DA).
Nasa dalawamput limang mga Pangasinse farmers ang nabahagian ng mga naturang seedlings kung saan miyembro ang mga ito ng Anacletos Agricultural Association, Inc. in Dasol, Pangasinan.
Nabigyan ang mga ito ng nasa 12,821 cacao seedlings na may kabuuang halaga na ₱897,470.
Layon nito na mabigyan ng suporta ang mga maliliit na coconut farmers at magamit ang mga kabuuang coconut lands meron ang mga ito.
Samantala, para patuloy na umusbong at maalagaan ng maayos ang mga naipamahagig seedlings ay magkakaroon naman ng mga training sessions ang mga magsasakang nabigyan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments