𝗡𝗘𝗚𝗢𝗦𝗬𝗔𝗡𝗧𝗘 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗡 𝗖𝗔𝗥𝗟𝗢𝗦 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗡𝗔-𝗖𝗢𝗠𝗔 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗣𝗔𝗚𝗕𝗨𝗕𝗨𝗚𝗕𝗨𝗚𝗜𝗡

Comatose ang sinapit ng Isang negosyante matapos umano itong pagtulungang bugbugin ng dalawa katao sa San Carlos City.

Ang biktima ay nakilalang si Samuel De Vera residente ng Barangay Bolosan sa nasabing lungsod.

Ayon sa imbestigasyon nakatayo sa pintuan ng isang bar sa nasabing Lungsod ang biktima pasado alas dos ng madaling araw nang dumating ang mga suspek na nakilalang sina Carl Esperanza at Jojo Lomibao at agad na sinuntok ang biktima na dahilan ng pagbagsak nito at pagtama ng ulo sa sahig.

Dahil dito ay nagtamo ng matinding sugat ang biktima na agad namang naisugod sa pagamutan subalit idineklarang comatose habang naaresto naman ng mga rumespondeng pulis ang mga suspek. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments