Wednesday, February 11, 2026

𝗖𝗜𝗧𝗬 𝗚𝗢𝗩𝗘𝗥𝗡𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗢𝗙 𝗜𝗟𝗔𝗚𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗞𝗜𝗜𝗦𝗔 𝗦𝗔 𝟮𝟬𝟮𝟲 𝗦𝗔𝗙𝗘𝗥 𝗜𝗡𝗧𝗘𝗥𝗡𝗘𝗧 𝗗𝗔𝗬

Cauayan City – Nakikiisa ang City Government of Ilagan sa paggunita ng 2026 Safer Internet Day sa pamamagitan ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO).

Ito’y bahagi ng patuloy na kampanya upang maprotektahan ang mga bata laban sa online sexual abuse and exploitation.

Sa temang “Ako, Ikaw, Tayo: Konektado at Protektado Laban sa Online Sexual Abuse and Exploitation of Children at Child Sexual Abuse and Exploitation Materials, binigyang-diin ng lokal na pamahalaan na mahalaga ang papel ng bawat isa, mga bata, magulang, at buong komunidad sa pagpapanatili ng ligtas at mapagkalingang digital na kapaligiran.

Hinihikayat ng CSWDO ang publiko na magkaisa sa pagbabantay, pagtuturo, at agarang pagkilos upang masiguro ang kaligtasan at kinabukasan ng bawat batang Ilagueño sa patuloy na pag-usbong ng teknolohiya.

‎—————————————

‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.

‎#985ifmcauayan
‎#idol
‎#numberone
‎#ifmnewscauayan

Facebook Comments