𝗖𝗢𝗔, 𝗠𝗔𝗛𝗜𝗚𝗣𝗜𝗧 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗕𝗔𝗕𝗔𝗡𝗧𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗟𝗜𝗤𝗨𝗜𝗗𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗢 𝗘𝗫𝗣𝗘𝗡𝗦𝗘 𝗥𝗘𝗣𝗢𝗥𝗧; 𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗥𝗚𝗬 𝗔𝗧 𝗦𝗞 𝗢𝗙𝗙𝗜𝗖𝗜𝗔𝗟𝗦 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗕𝗜𝗡𝗜𝗚𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗔𝗟𝗔𝗠𝗔𝗡 𝗨𝗞𝗢𝗟 𝗗𝗜𝗧𝗢

Mahigpit na binabantayan ng tanggapan ng Commission on Audit o COA ang mga expense report o liquidation na ipinapasa sa kanila ng mga opisyal para sa pantay at maayos na pagkakalagak ng mga pondo.

Dahil dito, nagsagawa ang lokal na pamahalaan ng Dagupan city ng isang seminar para sa mga barangay at sk officials bilang pagbibigay kaalaman sa kahalagahan ng ‘official procedures’ pagdating sa pamamahala ng pinansyal.

Importante na malaman ito lalo na ng mga opisyal nang sa gayon ay maiwasan ang tinatawag na failure on liquidation or expense report at mapatawan pa ng parusa mula mismo sa COA.

Ang pagsasagawa rin ng ganitong seminar ay para sa transparency and accountability na dapat nakikita sa mga barangay officials pa lamang para makapag serbisyo ang mga ito ng maayos sa kani-kanilang mga nasasakupan.

Isa sa tinalakay dito ay ang importanteng papel ng mga barangay officials pagdating sa kahandaan sa posibleng kalamidad bilang pagpapatuloy ng “HANDA KA BA? Education Campaign on Disaster Preparedness”.

Tinalakay rin sa naturang seminar ang pagkakaroon ng proper waste management na siyang dapat na nagsisimula sa barangay. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments