𝗔𝗣𝗔𝗧 𝗡𝗔 𝗦𝗨𝗦𝗣𝗘𝗞 𝗡𝗔 𝗨𝗠𝗔𝗧𝗔𝗞𝗘 𝗔𝗧 𝗡𝗔𝗡𝗔𝗞𝗦𝗔𝗞 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗚𝗥𝗨𝗣𝗢 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜𝗛𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗟𝗜𝗡𝗚𝗔𝗬𝗘𝗡, 𝗣𝗔𝗧𝗨𝗟𝗢𝗬 𝗡𝗔 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗚𝗛𝗔𝗛𝗔𝗡𝗔𝗣

Pinaghahanap ng awtoridad ang apat na suspek na sangkot sa pag-atake sa apat na kalalakihan sa Brgy. Quibaol, Lingayen.

Sa salaysay ng mga biktima, pauwi na ang mga ito nang abangan umano sila ng mga suspek at atakihin. Napigilan pa umano ang isang biktima sa pagbawi ngunit sinaksak na siya ng isa sa mga suspek. Pagkatapos ay tumakas na ang mga ito sakay ng mga motorsiklo.

Kinilala ang suspek na sina Joshua Aquino, Luige Prado, Jun-jun Prado at Adrian Reyes pawang mga nasa legal edad.

Kasalukuyang nagpapagaling ang nasaksak na biktima at patuloy na pinaghahanap ng awtoridad ang mga nagtatagong suspek. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments