Sa katatapos lamang na taong 2023, nakitaan ng pagbaba ang crime rate sa Ilocos Region ayon sa Police Regional Office 1.
Sa datos na ibinahagi ng PRO-1 sa IFM News Dagupan, pumalo sa kabuuang 1, 130 ang naitala sa ilalim ng 8 focus crimes noong 2023 kung saan mas mababa ito sa naitalang kaso noong 2022 na nasa 1, 292 na kaso.
Ang walong Focus Crimes na ito ay kinabibilangan ng mga kasong Murder, Homicide, Physical Injury, Rape, Robbery, Theft, Motorcycle at Motor vehicle Carnapping.
Base pa sa datos noong 2023, nangunguna pa rin ang kasong rape na mayroong 401 kaos, sinusundan ito ng theft o pagnanakaw na may kasong 268, pangatlo ang Physical Injury o pananakit na may 153 na kaso, 125 na kaso naman sa murder o pagpatay, 89 siya sa robbery, MotorCycle Carnapping na may 50 kaso, 37 sa kasong homicide at pito (7) naman sa Motor vehicle carnapping kung saan ang lahat ng kasong ito ay bumaba ang bilang.
Sa isang pahayag na ang dahilan ng pagbaba ng kasong naitalala ay dahil sa paghihipit ng mga kapulisan sa mga operasyon lalong lalo na sa pagsasagawa ng police visibility sa iba’t ibang lugar sa rehiyon uno upang mabantayan ang mga kasong ito.
Nakikita din na epektibo ang pagpopost sa online ng kapulisan upang mas maipaalala sa publiko ang mga ipinagbabawal na mga gawain. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨