Mga hukom, inatasan ng Korte Suprema na tingnan ang kalagayan ng mga preso sa mga kulungan sa gitna ng matinding init

Inatasan ng Korte Suprema ang mga hukom na bumisita sa mga bilangguan at tingnan ang kalagayan ng mga preso.

Sa harap ito ng matinding init ng panahon lalo na’t siksikan ang mga bilangguan.

Sa direktiba ng Supreme Court, inatasan nito ang mga huwes na dumalaw sa mga kulungan kahit isang beses bago ang May 31.


Ito ay bukod sa regular quarterly jail visitation na mandato sa mga hukom.

Facebook Comments