𝗩𝗔𝗣𝗘 𝗩𝗘𝗡𝗗𝗢𝗥 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗔𝗞𝗦𝗜𝗗𝗘𝗡𝗧𝗘 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗦𝗜𝗤𝗨𝗜

Dead-on-arrival sa pagamutan ang isang dese otso anyos na vape vendor matapos itong masangkot sa aksidente sa bayan ng Malasiqui.

Ang biktima ay nakilalang si Russel Panoringan, residente ng Barangay Aliaga sa nasabing bayan.

Naganap ang aksidente pasado alas singko ng madaling araw sa Barangay Taloy habang sakay ng motor ang biktima nang mawalan ito ng kontrol sa manibela dahilan upang rumampa ito sa concrete barrier at mahulog sa kanal.

Dahil dito ay nagtamo ng mga sugat sa ibat ibang bahagi ng Katawan ang biktima na agad namang naisugod sa pagamutan subalit idineklarang dead-on-arrival. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments