
Cauayan City – Inilunsad ng Department of Health β Cagayan Valley (CVCHD) katuwang ang Department of Education at LGU-Ramon ang kampanyang βOplan Goodbye Bulateβ sa Ramon Central School.
ββLumahok sa aktibidad ang 1,047 mag-aaral mula kindergarten hanggang Grade 6 at ALS learners. Isa itong bahagi ng mas pinalawak na serbisyo para sa mass drug administration laban sa soil-transmitted helminthiasis o STH, isang karaniwang sakit na dulot ng bulate sa tiyan.
ββTinalakay nina Dr. Janet M. Ibay at Dr. Guia G. Comillas ang kahalagahan at kaligtasan ng deworming tablets, na mahalaga upang maiwasan ang mabagal na paglaki at mahinang pagkatuto sa mga bata.
ββAng aktibidad ay naging daan para sa mas matibay na ugnayan ng mga guro, magulang, health workers at lokal na pamahalaan tungo sa isang mas malusog na pamayanan.









