
Cauayan City β Tatlong estudyante ang nasakote kasabay ng pagbuwag sa isang hinihinalang drug den sa isinagawang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 2, katuwang ang ibaβt ibang ahensiya kahapon, ika-7 ng Pebrero sa Maharlika Highway, Brgy. Tanza, Tuguegarao City.
Kinilala ang mga naarestong suspek bilang sina alyas βEstong,β 22-anyos, alyas βGelo,β 20-anyos, at alyas βRey,β 35-anyos, pawang mga residente ng Aparri, Cagayan.
Nakumpiska mula sa mga suspek ang 8 piraso ng maliliit na heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na may timbang na humigit-kumulang 7 gramo at tinatayang nagkakahalaga P47,600.00.
Nasamsam din sa mga ito ang buy-bust money, dalawang cellphone, at ibaβt ibang drug paraphernalia.
Sa kasalukuyan, nasa kustodiya ng PDEA RO2 ang mga naarestong suspek para sa dokumentasyon at pagsasampa ng
kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
————————————–
βPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
β#985ifmcauayan
β#idol
β#numberone
β#ifmnewscauayan










