
Cauayan City ā Isang estudyante ng St. Dominic Human Development Center, Inc. sa Soyung, Echague, ang kinilala bilang World Champion sa World International Mathematical Olympiad Final Round 2025 na ginanap mula Enero 3 hanggang 4, 2026 sa The Chinese University of Hong Kong, Shenzhen, China.
Si David Padua III ay ginawaran ng Gold Award para sa kanyang kahusayan sa matematika sa pandaigdigang kompetisyon.
Ayon sa paaralan, ang tagumpay ni David ay patunay ng dedikasyon, sipag, at talino ng mga estudyante ng St. Dominic HDC, at nagdudulot ng karangalan hindi lamang sa paaralan kundi sa buong lalawigan ng Isabela at sa Pilipinas.
Source: Mary Joanne Sanchez-Morales
————————————–
āPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
ā
ā#985ifmcauayan
ā#idol
ā#numberone
ā#ifmnewscauayan










