𝗘𝗟𝗘𝗖𝗧𝗥𝗜𝗖𝗜𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗔𝗟𝗔𝗠𝗜𝗡𝗢𝗦 𝗖𝗜𝗧𝗬 𝗡𝗔𝗛𝗨𝗟𝗜𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗛𝗔𝗟𝗢𝗦 𝗗𝗔𝗟𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗜𝗕𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗜𝗦𝗢𝗡𝗚 𝗛𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔 𝗡𝗚 𝗦𝗛𝗔𝗕𝗨, 𝗕𝗔𝗥𝗜𝗟, 𝗔𝗧 𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗔𝗟𝗔

Umaabot sa halos dalawang daang libong piso na halaga ng hinihinalang shabu kasama ang baril at mga bala ang nakumpiska sa isang electrician sa Alaminos City.

Ang suspek ay nakilalang si Oliver Onia residente ng Banig Norte bayan ng Bani.

Nagkasa ng Oplan bakal ang hanay ng PNP Alaminos sa isang videoke bar sa nasabing Lungsod pasado ala una ng madaling araw kung saan ay lahat ng mga kostumer sa nasabing bar ay pinatayo at pinataas ang mga damit.

Dito na nahuli ang suspek na nakita ang ang isang Caliber 45 sa kanyang kostudiya, kasama ang dalawang magazine nito at labing limang mga bala.

Samantala, nakakuha rin ng dalawampu’t limang sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 25 grams at nagkakahalaga ng ₱170k.

Inihahanda na ngayon ang mga kasong isasampa laban sa suspek. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments