
Cauayan City – Arestado ang isang engineer matapos umanong magpaputok ng baril noong Bagong Taon sa bayan ng Cabatuan, Isabela.
Ayon sa ulat ng Cabatuan Police Station, nabatid na isang concerned citizen ang nag-paabotsa pulisya hinggil sa umano’y walang habas na pagpapaputok ng baril ng suspek, dahilan upang agad na rumesponde ang mga awtoridad sa lugar ng insidente.
Sa pagresponde ng pulisya, narekober mula sa suspek ang isang caliber 9mm na baril, kasama ang 11 basyo ng bala, dalawang bala, at magazine nito.
Sa paunang imbestigasyon, lumalabas na nag-ugat ang insidente sa isang hindi pagkakaunawaan na nauwi sa pagpapaputok ng baril. Posible rin umanong nasa ilalim ng impluwensya ng alak ang suspek nang mangyari ang insidente.
Samantala, mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa kasong Revised Penal Code o Indiscriminate Firing.
————————————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan










