𝗙𝗔𝗖𝗘-𝗧𝗢-𝗙𝗔𝗖𝗘 𝗔𝗙𝗧𝗘𝗥𝗡𝗢𝗢𝗡 𝗖𝗟𝗔𝗦𝗦𝗘𝗦 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗡𝗔𝗢𝗔𝗚, 𝗦𝗜𝗡𝗨𝗦𝗣𝗜𝗡𝗗𝗘 𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗜𝗡𝗚𝗚𝗢

Sinuspinde ng isang linggo ang face to face classes kada hapon sa bayan ng Manaoag.

Ito mismo ang kinumpirma ni Manaoag Mayor Jeremy Agerico Rosario sa Naging panayam ng iFM Dagupan.

Ayon sa alkalde, ito ang Naging resulta ng kanilang isinagawang pulong kasama ang mga school officials sa bayan.

Nagbase rin, aniya sila, sa forecast ng PAGASA kung saan ay nananatiling nasa danger category ang inaasahang heat index sa bayan.

Sakop naman ng face-to-face afternoon class suspension sa bayan maging mga guro.

Sa umaga ay face-to-face adjusted time ang pasok ng mga estudyante habang sa hapon ay magiging blended o distance learning. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments