𝗙𝗔𝗥𝗠 𝗕𝗨𝗦𝗜𝗡𝗘𝗦𝗦 𝗦𝗖𝗛𝗢𝗢𝗟 𝗣𝗥𝗢𝗚𝗥𝗔𝗠 𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗥, 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗚𝗨𝗠𝗣𝗔𝗬 𝗡𝗔 𝗜𝗡𝗜𝗟𝗨𝗡𝗦𝗔𝗗; 𝟭𝟬𝟲 𝗡𝗔 𝗠𝗔𝗚𝗦𝗔𝗦𝗔𝗞𝗔, 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗣𝗔𝗚𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦

Matagumpay na inilunsad ng Department of Agrarian Reform (DAR) ang Farm Business School (FBS) program sa lalawigan ng Pangasinan.

Sa layuning makapagbigay kaalaman at kasanayan upang mas mapaunlad pa ang sektor ng agrikultura kasabay ng kaunlaran ng bawat magsasaka, 106 sa kanila ang nabenepisyuhan at nagtapos sa naturang programang inlinunsad.

Ang mga naturang benepisyaryo ay mula sa mga organisasyon sa ilalim ng Agrarian Reform Beneficiary Organization, ito ay ang Baksayan Irrigators and Farmers Association, Inc. mula sa bayan ng Umingan, Aliguas Dumaralos na Buenlag, Inc. sa bayan ng Calasiao, at Artacho Farmers Association sa bayan ng Bautista.

Sumailalim ang mga magsasakang nakapagtapos mula sa 25 sesyon ng kasanayan sa 8 modyul nito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments