𝗣𝗥𝗢𝗗𝗨𝗞𝗧𝗢𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗕𝗢𝗬 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗠𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗞𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗠𝗜𝗟𝗜𝗛𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗠𝗨𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗬 𝗣𝗔𝗚𝗚𝗔𝗟𝗔𝗪 𝗦𝗔 𝗣𝗥𝗘𝗦𝗬𝗢

May nararanasan muling paggalaw sa presyo ng produktong baboy sa mga pampublikong pamilihan sa lungsod ng Dagupan.

Sa pagpasok ng Enero ngayong taon, bumaba ito sa ₱310 hanggang ₱320 sa kada kilo bagamat simula ngayong linggo, muli itong pumalo sa ₱340 per kilo.

Ayon sa mga meat vendors, tinaasan daw ng mga meat supplier ang kuha sa karne kaya walang magagawa ang mga ito kung hindi taasan din ang presyuhan sa pamilihan.

Samantala, nananatili naman sa ₱180 sa kada kilo ang manok habang nasa ₱350 to ₱360 ang karneng baka. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments