𝗠𝗚𝗔 𝗠𝗔𝗚𝗦𝗔𝗦𝗔𝗞𝗔 𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗡 𝗡𝗜𝗖𝗢𝗟𝗔𝗦, 𝗕𝗘𝗡𝗘𝗣𝗜𝗦𝗬𝗔𝗥𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡𝗔𝗟 𝗥𝗜𝗖𝗘 𝗣𝗥𝗢𝗚𝗥𝗔𝗠

Benepisyaryo ngayon ng National Rice Program ng gobyerno ang mga magsasaka mula sa bayan ng San Nicolas.

Nasa higit isang libong magsasaka sa bayan ang makakatanggap ng subsidiyang biofertilizer na may halagang PHP P1,500/ha.

Magpapatuloy ngayong May 9 hanggang 10 ang pinamahaging vouchers na aabot sa halos PHP 800, 000 ang halaga.

Nagtakda na ng schedule ang lokal na pamahalaan ng bayan ng oras at petsa ng tatlumpu’t dalawang barangay sa pagclaim ng kanilang biofertilizers. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments