Monday, February 2, 2026

𝗛𝗢𝗨𝗦𝗘 𝗦𝗣𝗘𝗔𝗞𝗘𝗥 𝗗𝗬, 𝗡𝗔𝗡𝗔𝗪𝗔𝗚𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗞𝗔𝗜𝗦𝗔 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗠𝗔𝗥𝗔


‎Cauayan City – Hinimok ni House Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III ang mga miyembro ng Kamara na isantabi ang mga alitan sa pulitika at ituon ang kanilang oras sa pagbibigay ng makabuluhang serbisyo publiko para sa mga Pilipino.

‎Ayon kay Dy, ang pananagutan ng mga mambabatas ay nakatuon sa mamamayan, kaya’t mahalagang ituon ang lakas at oras sa paglikha ng mga batas na may tunay na epektobsa buhay ng bawat pamilyang Pilipino.

‎Binigyang-diin din ng Speaker na bagama’t magkakaiba ang pananaw sa pulitika, dapat manatiling buo ang pagkakaisa sa mas mataas na layunin ng tapat at marangal na paglilingkod.

‎Dagdag pa niya, ang tiwala ng publiko ay pinatutunayan sa gawa at hindi sa salita, kaya’t hinimok niya ang mga kongresista na magtrabaho nang mabilis at magkaiisa para sa kinabukasan ng bansa.

————————————–
‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
‎#985ifmcauayan
‎#idol
‎#numberone
‎#ifmnewscauayan

Facebook Comments