π—›π—¨π—¦π—§π—œπ—¦π—¬π—”, π——π—”π—œπ—‘π—š π—‘π—š π—£π—”π— π—œπ—Ÿπ—¬π—” π—‘π—š π—Ÿπ—”π—Ÿπ—”π—žπ—œπ—‘π—š π—•π—œπ—žπ—§π—œπ— π—” π—‘π—š 𝗣𝗔𝗠𝗔𝗠𝗔π—₯π—œπ—Ÿ 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗨𝗔𝗬𝗔𝗑 π—–π—œπ—§π—¬

CAUAYAN CITY – β€œHustisya!” ito ang sigaw ng pamilya ni Ariel Lorenzo, ang biktima ng pamamaril sa Brgy. Minante 2, Cauayan City, Isabela.

Sa isang exclusive interview ng IFM News Team kay Julieta Lorenzo, ina ng biktima, sinabi nito na palaisipan sa kanila kung sino ang nasa likod ng krimen, dahil wala naman umano ng nakaalitan o nakaaway ang kanyang anak.

Ayon pa kay Julieta, kilala si Ariel bilang isang mabait at matulungin na tao, kaya hindi nila lubos maisip kung bakit may taong kikitil sa kanyang buhay sa isang karumal-dumal na paraan.


Samantala, sinabi naman ng asawa ng biktima na si Celina Lorenzo na hindi umano nabanggit ni Ariel na may natanggap itong anumang pagbabanta bago ang insidente.

Dagdag pa niya, labis ang kanyang pagdadalamhati sa sinapit ng kanyang asawa at hindi niya alam kung paano haharapin ang bukas ng mag-isa, lalo na’t kailangan niyang itaguyod ang kanilang dalawang anak.

Facebook Comments