Napakinabangan ng mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) ang iba’t ibang serbisyong hatid ng pamahalaan panlalawigan ng Pangasinan katuwang ang pamunuan ng Pangasinan Provincial Jail (PPJ), nitong buwan.
Ilan na lamang sa serbisyong hatid ay ang medical at dental mission na pinangunahan ng Provincial Health Office (PHO), kung saan 179 na PDL at 12 PPJ personnel ang hinatiran ng naturang serbisyo noong nakaraang ika-13 ng Pebrero.
Samantala, noong ika-15, nagsagawa rin ang pamahalaan katuwang ang TESDA ng Community-Based Training for Work Scholarship Program (TWSP), kung saan 25 PDLs naman ang nabenepisyuhan nito.
Dagdag pa, ang limang araw na community-based skills training project on basic electrical installation at maintenance basic wellness massage na isinagawa noong ika-19 nitong buwan, katuwang naman ang TESDA at PESO.
Ang mga naturang programang hatid sa mga PDLs ay may layuning magkaroon ng maayos na serbisyo at programa para sa kanila na siyang parte ng bisyon ng pamahalaang panlalawigan ng Pangasinan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨