𝗜𝗛𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗕𝗔𝗢𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗔𝗦𝗜𝗡𝗚𝗔𝗡, 𝗞𝗜𝗡𝗔𝗔𝗟𝗜𝗪𝗔𝗡

Kinaaliwan ngayon ang ihawang kabaong sa bayan ng Asingan.

Ang mastermind sa customized na ihawan ay si Jefferson Balangue na residente ng Barangay Macalong sa bayan at nag mamay-ari ng isang punerarya.

Aniya, sa tagal na nitong nagnenegosyo naisipan niyang gumawa ng kabaong grill upang may magamit sila ng kaniyang pamilya at kaibigan sa mga handaan.

Komento ng ilang netizen, auto pass raw dahil nakakatakot kapag nabusog ka baka diretso higa na.

Sabi pa ng isang netizen, ang luto raw sa nasabing kabaong grill ay pamatay sa sarap.

Sa ngayon, atraksyon na ito sa bayan at marami na ang dumadalaw sa funeral homes ni Balangue upang maexperience ang ihawang kabaong. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments