Friday, February 13, 2026

β€Žπ—œπ—Ÿπ—”π—šπ—”π—‘ 𝗖𝗖𝗣𝗦, π—œπ——π—œπ—‘π—˜π—žπ—Ÿπ—”π—₯π—”π—‘π—š 𝗗π—₯π—¨π—š-𝗙π—₯π—˜π—˜ π—ͺ𝗒π—₯π—žπ—£π—Ÿπ—”π—–π—˜; π—π—’π—œπ—‘π—§ π—Ÿπ—œπ—‘π—žπ—”π—šπ—˜π—¦ 𝗣π—₯π—’π—šπ—₯𝗔𝗠, π—œπ—‘π—œπ—Ÿπ—¨π—‘π—¦π—”π——

β€Ž
β€ŽCauayan City – Pormal na idineklara ang Ilagan City Component Police Station bilang Drug-Free Workplace kahapon Pebrero 12, 2026, alinsunod sa DDB Regulation No. 13, s. 2018.
β€Ž
β€ŽDumalo sa seremonya ang mga opisyal mula sa PDEA Regional Office 2 at PDEA Isabela Provincial Office, Isabela Police Provincial Office, DILG-City of Ilagan, at Liga ng mga Barangay, kasama ang mga katuwang mula sa religious sector.
β€Ž
β€ŽBinigyang-diin naman ng mga tagapagsalita na ang pagiging drug-free workplace ay hindi lamang deklarasyon kundi isang patuloy na obligasyon.
β€Ž
β€ŽKasabay nito, inilunsad ang Joint Linkages for Sustainable Drug-Cleared Ilagan upang masiguro ang tuloy-tuloy na kampanya laban sa ilegal na droga.
β€Ž
β€ŽLayunin ng programa na palakasin ang ugnayan ng mga pambansang ahensya, lokal na pamahalaan, faith-based organizations, at komunidad upang mapanatili ang drug-cleared status ng lungsod. Kabilang dito ang monitoring, rehabilitasyon, at mga edukasyong pangkomunidad kontra droga.
β€Ž
β€ŽSource: Ilaganccp Ippo

————————————–

β€ŽPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.

β€Ž#985ifmcauayan
β€Ž#idol
β€Ž#numberone
β€Ž#ifmnewscauayan

Facebook Comments