𝗜𝗠𝗕𝗘𝗦𝗧𝗜𝗚𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗡𝗔𝗚𝗣𝗔𝗗𝗔𝗟𝗔 𝗡𝗚 𝗕𝗢𝗠𝗕 𝗧𝗛𝗥𝗘𝗔𝗧 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗡𝗚𝗔𝗟𝗗𝗔𝗡 𝗡𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡𝗔𝗟 𝗛𝗜𝗚𝗛 𝗦𝗖𝗛𝗢𝗢𝗟, 𝗡𝗔𝗚𝗣𝗔𝗣𝗔𝗧𝗨𝗟𝗢𝗬

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon kaugnay sa naging bomb threat na binulabog ng Bomb Threat, noong linggo ng gabi.

Sa naging panayam ng IFM News Dagupan Kay Mangaldan Councilor Aldrin Soriano, patuloy ang ugnayan nila kasama ang lokal na pamahalaan at ang pnp maging school administration ng Mangaldan National High School kaugnay dito.

Isang nagpakilala Japanese na English-speaking pa aniya ang nag message sa kanyang social media page na Tila hindi umano sigurado kung ito ba ang Alkalde ng bayan.

Dagdag pa ng konsehal na nasa meeting ito kagabi ng nakatanggap ng mensahe kaugnay dito kaya’t agad itong ipinagbigay alam sa pnp at lokal na pamahalaan.

Inaasahang tinalakay ito kahapon pagkatapos ng flag raising ceremony.

Samantala tuloy naman ang naging klase noong lunes sa nasabing paaralan matapos ideklarang cleared. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments