𝗜𝗡𝗙𝗟𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗡𝗦𝗔, 𝗕𝗔𝗛𝗔𝗚𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗠𝗔𝗔𝗦 𝗡𝗢𝗢𝗡𝗚 𝗗𝗜𝗦𝗬𝗘𝗠𝗕𝗥𝗘 — 𝗣𝗦𝗔



Cauayan City – Bahagyang tumaas ang inflation rate sa bansa noong Disyembre 2025, ayon sa Philippine Statistics Authority.

Batay sa datos ng PSA, umakyat sa 1.8 porsiyento ang inflation noong Disyembre mula sa 1.5 porsiyento noong Nobyembre, dulot ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin, partikular ng pagkain.

Gayunman, nanatiling mas mababa sa target ng pamahalaan ang full-year inflation para sa 2025 na 1.7 porsiyento, mas mababa rin kumpara sa 3.9 porsiyento noong 2024.

Para sa bottom 30 percent income households, naitala ang inflation na 1.1 porsiyento noong Disyembre.

Sa sektor ng pagkain, mas bumagal ang pagbaba ng presyo ng bigas habang tumaas ang presyo ng gulay, isda, prutas, at ilang processed food items.

Patuloy namang binabantayan ng PSA ang galaw ng presyo ng mga bilihin na may direktang epekto sa kabuhayan ng mga Pilipino.

Source: Philippine Statistics Authority

————————————–
‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.

#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan

Facebook Comments