Pumalo na sa sampung insidente ng bangaan at mga aksidente ang naitatala sa National Highway na sakop ng Brgy. Bued, sa bayan ng Calasiao nito lamang buwan ng mayo.
Diumano, laging mabilis at tila naghahabulan ang mga motorista sa nasabing kalsada na may apat na linya. Ang naturang highway kasi ay major thoroughfare patungo sa lungsod ng Dagupan at maging sa western at eastern Pangasinan.
Dahil sa bilis at dami ng mga dumadaan rito, napapadalas kamakailan ang ilang serye ng banggaan at mga aksidente, na madalas kinasangkutan ng mga truck maging ng mga motorsiklo.
Dahil dito, nagsasagawa ng mga plano at hakbangin ang lokal na pamahalaan katuwang ang barangay, upang maibsan ang mga naitatalang aksidente sa nasabing lugar. Ilan na lamang sa kanilang mga hakbangin ay ang pagpapagawa at pagpapakabit ng road safety signage.
Nakikipag-ugnayan na rin ang lokal na pamahalaan sa tanggapan ng Department of Public Works and Highways para sa ilan pang hakbangin upang maiwasan na ang mga aksidente sa nasabing kalsada. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨