𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗜𝗡𝗚𝗚𝗢𝗡𝗚 𝗦𝗘𝗠𝗕𝗥𝗘𝗔𝗞 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗔𝗠𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗞𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗔𝗥𝗔𝗟𝗔𝗡, 𝗨𝗠𝗣𝗜𝗦𝗔 𝗡𝗔 𝗞𝗔𝗛𝗔𝗣𝗢𝗡, 𝗝𝗔𝗡𝗨𝗔𝗥𝗬 𝟮𝟰

Umpisa na kahapon, January 24, 2024 ang halos isang linggong sembreak ng mga mag-aaral sa parehong elementarya at sekondarya sa mga pampublikong paaralan.

Alinsunod ito sa DepEd Order no. 32 series of 2023 o ang Implementing Guidelines on the School Calendar and Activities for the School Year 2023-2024 kung saan mula January 24-30 ang itatagal ng school break.

Muling magbubukas ang klase sa January 31 na hudyat din ng Academic Quarter 3 o ang ikalawang semestre sa mga pampublikong paaralan.

Ayon sa ilang mga magulang sa Pangasinan, ilalaan ang halos isang linggong break upang sanayin pa ang mga bata sa pag-aaral kahit naka-school break ang mga ito nang hindi tuluyang mawili umano sa mga bagay na hindi naman mas importante kaysa edukasyon.

Sa kabilang dako, habang naka-break ang mga estudyante, sasailalim naman ang mga guro sa ilalim ng Mid-Year Performance Review and Evaluation and the School-Based In-Service Training (INSET) na may layuning suriin sa pamamagitan ng evaluation ang progreso ng paaralan pagdating sa pagpapatupad ng mga educational activities na tutulong sa pag-unlad ng tukoy na sektor. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments