𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗨𝗥𝗦𝗘 𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗖𝗔𝗨𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗣𝗔𝗦𝗔 𝗡𝗚 𝗔𝗙𝗦𝗔𝗧



Cauayan City – Naghatid ng karangalan sa lalawigan ng Isabela at sa buong rehiyon si Probationary Second Lieutenant (P2LT) Yohara Lhen Palattao matapos siyang makapasa sa 2025 Armed Forces of the Philippines Service Aptitude Test (AFSAT) na ginanap sa Office of The Chief Nurse (OTCN) sa Camp General Emilio Aguinaldo, Quezon City.

Si Palattao, na tubong Lungsod ng Cauayan, ay nagtapos ng Bachelor of Science in Nursing sa University of Saint Louis Tuguegarao noong Agosto 2023.

Isa rin siyang lisensiyadong nurse na matagumpay na nakapasa sa Philippine Nurse Licensure Examination noong Nobyembre 2023 at sa National Council Licensure Examination for Registered Nurses (NCLEX-RN) noong Hunyo 2025.

Sa kabila ng iba’t ibang pagsubok na kanyang hinarap, kabilang ang limitadong oras ng paghahanda at personal na hamon, nanatili siyang matatag at determinado na maabot ang kanyang pangarap bilang isang propesyonal sa hanay ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas.

Source: RCVN

————————————–

‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.

#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan

Facebook Comments