𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗡𝗚𝗔𝗟𝗗𝗔𝗡 𝗡𝗔𝗛𝗨𝗟𝗜𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗜𝗕𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗜𝗦𝗢𝗡𝗚 𝗛𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔 𝗡𝗚 𝗦𝗛𝗔𝗕𝗨 𝗦𝗔 𝗕𝗨𝗬 𝗕𝗨𝗦𝗧 𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡

Umaabot sa mahigit sandaang libong pisong halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa isang street level individual sa ikinasang buy bust operation sa bayan ng Mangaldan.

Ang suspek ay nakilalang si Jose Crisostomo residente ng Brgy Malabago sa nasabing bayan.

Ikinasa ang buy bust operation laban sa suspek pasado alas onse ng gabi na nagresulta sa pagkakakumpiska dito ng apat na plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 15 grams at nagkakahalaga ng ₱102k.

Nahaharap na ngayon sa kaukulang kaso ang nasabing suspek. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments