Friday, March 13, 2026

𝗞𝗔𝗔𝗟𝗔𝗠𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗔𝗡𝗧𝗜-𝗖𝗔𝗧𝗧𝗟𝗘 𝗥𝗨𝗦𝗧𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗟𝗔𝗪 𝗔𝗧 𝗠𝗚𝗔 𝗧𝗥𝗔𝗙𝗙𝗜𝗖 𝗢𝗥𝗗𝗜𝗡𝗔𝗡𝗖𝗘, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗟𝗔𝗪𝗜𝗚 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗖𝗢𝗥𝗗𝗢𝗡

Cauayan City – Mas pinalalawak pa ng Cordon Municipal Police Station ang kaalaman ng mga residente pagdating sa Anti-Cattle Rustling Law at Municipal Traffic Rules and Regulations sa pamamagitan ng pagsasagawa ng isang talakayan.

Kahapon ika-12 ng Marso, inilunsad ng Cordon MPS ang isang talakayan sa Cordon Community Center kung saan dinaluhan ito ng mga barangay officials mula sa iba’t ibang bahagi ng bayan.

Layunin ng naturang talakayan na mapalawak ang kaalaman at kamalayan ng mga opisyal ng barangay tungkol sa mga umiiral na ordinansa ng munisipyo partikular sa pamamahala ng trapiko at sa pagpapatupad ng batas laban sa pagnanakaw ng mga alagang hayop o cattle rustling.

Binigyang-diin din sa programa ang mahalagang papel ng mga barangay officials sa pagpapanatili ng kapayapaan, kaayusan, at seguridad sa kanilang mga nasasakupan.

Naging aktibo naman ang mga dumalong opisyal ng barangay sa talakayan kung saan nagbahagi sila ng kanilang mga karanasan at mga suliraning kinahaharap sa kani-kanilang lugar kaugnay ng pamamahala sa trapiko at pangangalaga sa mga alagang hayop.

Ang ganitong aktibidad ng kapulisan ay makatutulong upang mapahusay pa ang kaalaman at kakayahan ng mga lokal na opisyal sa paglilingkod sa kanilang komunidad.

Facebook Comments