𝗡𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡𝗔𝗟 𝗛𝗜𝗚𝗛𝗪𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗟𝗔𝗦𝗜𝗔𝗢, 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗧𝗔𝗞𝗗𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗕𝗔𝗦𝗕𝗔𝗦𝗔𝗡

Nakikipag-ugnayan na ang mga barangay official ng Brgy. Bued, sa bayan ng Calasiao sa lokal na pamahalaan ng bayan sa nais ng mga itong mapabasbasan ang pangunahing kakalsadahan dito.

Bunsod ang inihahandang aksyon sa naitatalang mga road accidents sa nasabing kalsada.

Ayon sa ilang commuter at residenteng dumadaan dito, madalas umano ang kaskaserong driver at ang iba pa ay tila nakikipagkarera sa sobrang bilis ng kanilang pagpapatakbo.

Sa kasalukuyan, bilang aksyon ay inumpisahan na ng mga opisyales ng lokal na gobyerno ang pagpapagawa ng mga road safety signages habang hinihintay ang tulong mula sa Engineering District Office maging sa DPWH. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments