𝗞𝗔𝗟𝗜𝗡𝗜𝗦𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗕𝗥𝗚𝗬. 𝗗𝗜𝗦𝗧𝗥𝗜𝗖𝗧 𝟭, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗣𝗔𝗡𝗔𝗧𝗔𝗟𝗜

Cauayan City – Patuloy ang pagsasagawa ng clean-up drive sa Brgy. District 1, Cauayan City, Isabela.

Sa eksklusibong panayam ng iFM News Team kay Brgy. Captain Marc De Joya, bilang pagsunod sa Kalinisan sa Bagong Pilipinas Program ay patuloy ang kanilang paglilinis sa kanilang lugar.

Aniya, katuwang niya sa paglilinis ang mga barangay officials, barangay tanod, Barangay Street Sweepers mula sa kanilang barangay.


Kabilang sa kanilang nililinis ay ang mga gilid ng kalsada na malimit maging tambakan at tapunan ng mga basura.

Bukod pa rito, pinuputol rin nila ang ilang mga sanga ng mga nakahambalang mga kahoy sa gilid ng kalsada na nakakasagabal sa mga motorista gayundin sa mga kawad ng kuryente.

Facebook Comments