𝗞𝗔𝗦𝗢 𝗡𝗚 𝗛𝗘𝗔𝗧-𝗥𝗘𝗟𝗔𝗧𝗘𝗗 𝗜𝗟𝗟𝗡𝗘𝗦𝗦𝗘𝗦 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗢𝗖𝗢𝗦 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡, 𝗧𝗜𝗡𝗨𝗧𝗨𝗧𝗨𝗞𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗗𝗢𝗛 𝗖𝗛𝗗 𝟭

Tinututukan ng Department of Health-Center for Health Development in Ilocos Region (DOH-CHD-1) ang kaso ng heat-related illnesses sa buong Ilocos Region kasunod na patuloy na nararanasang matinding init ng panahon.

Ayon kay Dr. Rheuel Bobis, nakahanda ang mga ospital sakaling magkaroon ng kaso kaugnay nito.

Muling paalala nito ang pagdadala at paggamit ng mga kinakailangang pamproteksyon sa araw tulad na lamang ng payong, sumbrero at iba pa.

Matatandaan na isa ang lungsod ng Dagupan sa nakapagtala ng matataas na heat indices sa buong bansa na posibleng magdulot ng heat-related illnesses tulad ng heat stroke, heat exhaustion at heat cramps. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments