𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗟𝗚𝗨𝗦 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗚𝗗𝗘𝗞𝗟𝗔𝗥𝗔 𝗡𝗔 𝗡𝗚 𝗦𝗨𝗦𝗣𝗘𝗡𝗦𝗜𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗙𝗔𝗖𝗘-𝗧𝗢-𝗙𝗔𝗖𝗘 𝗖𝗟𝗔𝗦𝗦𝗘𝗦

Epektibo ang suspensyon ng face to face classes sa mga paaralan bukas, May 6, alinsunod sa ehekutibong kautusan ng mga lokal na pamahalaan ng ilang bayan sa Pangasinan dahilan pa rin ang nararanasang init na panahon.

Ilan sa mga walang face to face classes bukas ay sa bayan ng Manaoag, Rosales, San Nicolas, Tayug, Calasiao.

Diskresyon ng lokal na pamahalaan kung hanggang saang antas, at kung parehong pampubliko at pribadong paaralan ang mag-iimplementa ng alternative delivery mode.

Samantala, aasahan ang pagtala ng mas mainit at mas mataas na temperatura at heat indices ngayong buwan ng Mayo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments