
Cauayan City — Nadakip ng pinagsanib na pwersa ng iba’t-ibang unit ng kapulisan ang isang lalaki na itinuturing bilang Top 2 Regional Most Wanted Person sa Region 2.
Kinilala ang suspek na si alyas “Bong,” 39-anyos, residente ng Barangay Roxas, Naguilian, Isabela, na nahaharap sa kabuuang 27 kaso ng Qualified Theft at Falsification of Private Documents.
Isinagawa ang pag-aresto kahapon, ika-21 ng Enero sa Barangay San Manuel, Naguilian, Isabela.
Sa bisa ng warrant of arrest ng Regional Trial Court, Branch 17, Ilagan City.
Mayroon namang inirekomendadong piyansa na P30,000 sa bawat bilang ng kaso para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.
Sa kasalukuyan, nasa kustodiya ng CIDG Isabela Provincial Field Unit bago pormal na iharap sa korte na humahawak ng kanyang mga kaso.
—————————————
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan










