
Cauayan City – Timbog ang isang lalaki na nakilala sa alyas na “Goryo” sa isinagawang buy-bust operation ng PDEA-Quirino kasama ang Santiago City Police at PNP Regional Drug Enforcement Unit sa Purok 2, Barangay Villasis, Santiago City.
Nahuli ang suspek matapos umanong magbenta ng hinihinalang shabu sa isang operatibang nagpanggap na buyer. Ayon sa mga awtoridad, isa ang suspek sa mga mino-monitor nilang drug personality sa nasabing barangay.
Nakumpiska mula sa operasyon ang limang sachet ng hinihinalang shabu na may bigat na tinatayang 12.7 gramo, dalawang cellphone, at marked money na ginamit sa operasyon.
Kasalukuyang nakakulong ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag saRepublic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.










