
Cauayan City — Naharang ng mga awtoridad sa isang checkpoint sa Brgy. Poblacion 1, Sta. Maria, Isabela ang isang lalaking tumakas matapos makabangga sa Barangay Samonte, Quezon, Isabela kahapon, ika-5 ng Marso.
Ayon sa ulat, ang biktima ay si alyas “Jhon,” 25-anyos, residente ng Barangay Mararigue, San Manuel, Isabela na nagtamo ng mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan matapos matumba sa kalsada nang mabangga siya ng isang kotse.
Sa halip na tulungan, nagawa pang tumakas ng suspek sa pinangyarihan ng insidente.
Matapos matanggap ang ulat, kaagad na nakipag-ugnayan ang Quezon Municipal Police Station sa mga karatig-bayan.
Bilang katabing bayan, nagsagawa ng checkpoint operation ang Santa Maria Municipal Police Station na nagresulta sa pagkakaharang sa suspek na si alyas “Jay,” 22-anyos, walang lisensya, sakay ang kotseng may bakas pa ng pagkakabangga.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Quezon MPS ang suspek at posibleng maharap sa kasong physical injury kaugnay ng insidente.
————————————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan










