Tuesday, March 3, 2026

𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜𝗡𝗚 𝗪𝗔𝗡𝗧𝗘𝗗 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗦𝗢𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗬 𝗞𝗔𝗨𝗚𝗡𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗗𝗥𝗢𝗚𝗔, 𝗡𝗔𝗦𝗔𝗞𝗢𝗧𝗘 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗨𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬

Cauayan City — Nadakip ng mga awtoridad sa Brgy. Cabaruan, Cauayan City, kahapon ikalawa ng Marso ang isang tricycle driver na itinuturing na Top 4 Provincial Most Wanted Person dahil sa pagkakasangkot sa ilegal na droga.

Ayon sa ulat, ang suspek na kinilalang si alyas “Jake,” 50-anyos, tricycleadriver, at residente ng Minate 1, Cauayan City.

Siya ay nadakip sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng korte dahil sa kasong paglabag sa section 5, at dalawang bilang ng section 11 ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Bagama’t nadakip, mayroon namang inirekomendang piyansang nagkakahalaga ng ₱200,000 bawat bilang para sa paglabag sa Section 11, habang walang inirekomendang piyansa para sa kasong ilalim ng Section 5.

Kasabay ng pagdakip sa suspek, ipinaalam ng mga awtoridad ang kanyang mga karapatan alinsunod sa Miranda Doctrine at pagkatapos ay dinala sa kustodiya ng pulisya para sa dokumentasyon bago iharap sa korteng pinagmulan ng kanyang kaso.

————————————–

‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.

‎#985ifmcauayan
‎#idol
‎#numberone
‎#ifmnewscauayan

Facebook Comments